Poker Tells: Mga Tip Para Basahin ang Galaw ng Iyong mga Kalaban | PH646 Casino

Poker Tells

Ang Poker, ay kilala dahil ginagamitan ito ng pinaghalong diskarte at “psychology” o laro ng isip. Ang Poker ay isang laro kung saan ginagamit ng mga manlalaro ang kanilang mga card at talino upang madaig ang mga kalaban. Ngunit mayroong isang bahagi sa poker na lampas sa simpleng paglalaro ng mga baraha – ito ay tinatawag na “poker tells.” Ito ang mga maliliit na palatandaan at senyales na ibinibigay ng mga manlalaro nang hindi namamalayan ng kanilang mga kalaban. Sa artikulong ito, tuklasin natin ang mundo ng poker at magbibigay din kami ng mga tip kung paano gamitin ng maayos ang mga “poker tells” sa iyong mga susunod na laro sa poker.

Ano ang Poker Tells?

Poker Tells

Ang mga poker tells ay parang mga pahiwatig o munting mga senyales na pinapakita ng mga manlalaro sa loob ng isang laro ng poker. Sila ang mga bagay na ginagawa ng iyong mga kalaban, madalas na hindi sinasadya, na nagpapahiwatig sa iyo kung sila ay nakakuha ng malakas na baraha o mahinang mga baraha. Ang mga pahiwatig na ito ay maaaring maliit lamang, tulad ng mga konting galaw o kibot ng kamay, o ang itsura at reaksyon ng kanilang mga mukha pagkatapos makita ang kanilang mga baraha. 

Ang pag-aaral na basahin ang mga palatandaang ito ay tulad ng pag-aaral ng isang bagong wika, mahirap, pero kapag nagawa mo itong matutunan ay maaari mo itong gamitin na isang malaking kalamangan sa iyong mga makakalaban sa poker. Sa susunod na mga seksyon, susuriin naman natin ang iba’t ibang uri ng poker tells na maaari kang mabigyan ng mga praktikal na kasanayan kung paano basahin ng maigi ang mga galaw ng iyong kalaban sa larong poker.

Paano Magbasa ng Iyong Mga Kalaban Sa Isang Live na Larong Poker?

Poker Tells

Mababasa mo lamang ang galaw ng iyong mga kalaban sa pisikal na laro ng poker, dahil nga kailangan mo ng biswal para makita ng maigi ang galaw ng iyong mga kalaban, kaya hindi mo ito magagawa ng maayos sa isang online poker. Ang mga manlalaro ng online poker ay maaari din makakuha ng mga senyales mula sa kanilang mga kalaban, ngunit limitado lamang ito, dahil nga hindi mo nakikita ng pisikal ang iyong mga kalaban at mabilis din ang takbo ng laro online, at wala ka nang panahon upang mabasa pa ang mga galawa, gaya ng taya ng iyong mga kalaban.

“Strong looks weak, weak looks strong”, ito ay ang kasabihan na maaari mong pagbatayan sa pagbasa ng galaw ng iyong mga kalaban sa baraha. Ang mga manlalaro na may malakas na baraha ay nagkukunwaring mayroon sila na mahinang baraha upang malinlang ang kanilang mga kalaban. Katulad ng mga may mahihinang baraha, sila ay nagkukunwaring mayroong malalakas na baraha upang malito ang kanilang mga kalaban. Pero syempre, panigurado ay alam na ito ng nakararami kaya maaaring hindi mo na din ito masyadong magamit ng maigi sa pagbasa ng poker tells.

Ang Paggalaw ng mga Kamay at Paa

Ang ilan sa mga pinaka-halatang halimbawa ng poker tell ay kinabibilangan ng mga paggalaw ng kamay at iba pang parte ng katawan. Sinasabi ng mga eksperto sa body-language na kapag mas malaki o mas nagpapahayag na mga galaw ng kamay ay may posibilidad na nagpapahiwatig ito na ang tao ay nagsasabi ng kasinungalingan o nililinlang ka upang gawin mo ang isang bagay. Parehong ito ng sa mga paa at binti, bagaman ang mga paggalaw na ito ay hindi gaanong halata kapag ikaw ay nakaupo sa isang mesa. Ang pagko-cross ng mga hita ay may posibilidad na nagpapahiwatig ito ng kaba, na maaaring mangahulugan na ang iyong kalaban ay may mahinang baraha.

Ang Pagsusuri sa Mata

Karamihan sa atin ay medyo magaling na magbasa ng mga ekspresyon sa mata ng ibang tao. Napansin mo ba kung gaano karaming mga propesyonal na manlalaro ng poker ang nagsusuot ng salaming pang-araw? Iyon ay dahil kahit ang mga bihasa na sa paglalaro ng poker ay nahihirapan parin na alisin ang emosyon sa kanilang mga mata. Kaya paano mo ito magagamit bilang isang kalamangan?

Alam mo ba na madalas tayong tumingin sa kaliwa kapag sa panahon ng panloob na pag-uusap, diretsong tingin kapag nagpoproseso ka ng impormasyon, at sa kanan naman kapag pinoproseso ang ating nararamdaman. Iminumungkahi ng ilang pag-aaral na kapag ang isang tao ay nagsisinungaling o sinusubukang itago ang isang bagay, malamang na tumingin sila sa kanan. Ang isa pang ekspresyon na maaaring magmungkahi na ang iyong kalaban ay sinusubukang manlito ng kanilang kalaban, ay bumibilis ang pagkurap ng kanilang mga mata.

Pagbasa ng mga Maliit na Ekspresyon

Ayon sa mga eksperto, mayroong pitong ekspresyon ang mga tao: takot, pagkasuklam, galit, kalungkutan, kaligayahan, pagka-sorpresa, at contempt. Ang isang bluff ay madalas na nakikita kapag ang isang maliit na ekspresyon ay sinusundan ng pag-uugali na sumasalungat sa ekspresyon.

Upang makabasa ng mga maliliit na ekspresyon ay kakailanganin mong maging napaka-alerto at mapagmasid sa isang laro, at magsanay ng maraming beses sa pagbasa ng mga ito. Sa una, kailangan mong mag-aral nang husto sa pagbasa ng mga pinapakitang galaw ng iyong mga kalaban.

Oras ang Nagsasabi

Ang mga timing poker tells ay karaniwan sa poker sa mga live casinos, ngunit mas nakikita ito sa mga online poker. Gaya ng sinasabi ng karamihan, ang mga timing ng ating mga kilos ay maaaring pekiin upang bigyan ang mga kalaban ng maling pagbasa ng kanilang mga galaw.

Panggulong Uri ng Pagsasalita

Habang tinuturuan ng maraming manlalaro ng poker ang kanilang mga sarili na huwag magbigay ng pisikal na poker sa mesa, ang pagsasanay sa iyong bibig upang gumalaw ay isa pang antas ng kasanayan! Ang ilang mga manlalaro ay dalubhasa na sa tinatawag na speech play at kadalasang nalilito nila ang kanilang kalaban sa pamamagitan ng pagsasalita.

Paano Maiiwasan ang Pagbibigay Maling Poker Tells

Poker Tells

Higit pang pagsasanay ang kailangan mong gawin upang maging bihasa sa pagbasa ng poker tells. Subukang maging matatag sa kung paano ka umupo at gumalaw sa iyong pwesto. Laging sundin ang parehong mga pattern upang hindi ka malito sa iyong gawi ng paglalaro. 

Halimbawa, maaaring gusto mong laging tumingin sa parehong lugar sa mesa at laging ilagay ang iyong mga chips sa palayok sa eksaktong parehong paraan. Huwag ding makisali sa speech play dahil manganganib ka kung magbibigay ka ng higit pang impormasyon lalo na kung bihasa na din sa pagbasa ng poker tells ang iyong kalaban.

Konklusyon

Ang poker tells ay ang pagbasa ng mga galaw at senyales na ginagawa ng iyong mga kalaban sa isang laro ng poker. Ngayon, kung handa ka nang subukan ang iyong kaalaman sa pagbasa ng poker tells, subukan ang iyong swerte sa PH646 Casino para sa isang kapanapanabik na karanasan sa poker. Ingat at pagbutihin ang iyong paglalaro!

Free Signup/Welcome Bonuses

Game-Specific Bonus

Copyright © 2023 PHP646.com. All Rights Reserved.